Binasura ng Court of Appeals (CA) ang kahilingan ni Senator Antonio Trillanes IV na mapatigil ang paglilitis ng Makati RTC BRANCH 150 para sa kanyang kasong rebellion.
Nangangahulugan ito na maaari nang ituloy ng sala ni Judge Elmo Alameda ang trial kaugnay ng pagkakasangkot ni Trillanes sa Manila Peninsula Siege.
Ayon sa Appelate Court, hindi nila maaaring pagbigyan ang kahilingan ni Trillanes para sa pagpapalabas ng temporary restraining order dahil makaka-apekto ito sa merito ng kaso.
Binigyan naman ng Court of Appeals ng sampung araw ang Department of Justice (DOJ) at ang Office of the Solicitor General (OSG) para maghain ng komento.
Limang araw naman ang binigay sa kampo ni Trillanes para sa kanilang kasagutan
Sa Mayo 27 nakatakda ang paglilitis kay Trillanes sa Makati RTC matapos ma-postpone kanina