Lalaki, nahuling nakikipagtalik sa tumpok ng dahon

iStock photo

Kulungan ang bagsak ng isang lalaki sa United Kingdom matapos ang tangkang pakikipagtalik sa sangkaterbang dahon.

Lasing, at high umano sa marijuana at cocaine si Michael Golsorkhi, 26, na nahuling hinahalay ang nakatambak na dahon sa parking lot malapit sa isang hotel sa Stockport, Manchester.

Kita rin mula sa isang kalapit na kainan ang hubad na puwetan ni Golsorskhi at aktong pagtatarak nito sa mga dahon.


Isang tauhan sa hotel ang sumita sa lalaki na agad nag-angat ng pantalon, nagtago sa malapit na halamanan at lumabas lamang pagdating ng mga pulis.

Hindi rin daw ipinaliwanag si Golsorkhi ang ginawa niya, ayon sa staff ng hotel.

Sabi naman ng abogado ni Golsorkhi, hiyang-hiya umano at walang natatandaan ang kanyang kliyente tungkol sa insidente.

Napag-alaman din na dati ng nakulong ang suspek sa panghaharas sa kanyang mga magulang.

Pinagmulta ng $185 (P8,000) at pinatawan ng walong linggong pagkakakulong si Golsorkhi.

RELATED STORIES:

Lalaking nakipagtalik sa 2 stuffed toy sa mall, arestado

Facebook Comments