*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang binata matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamineto de aresto nito kaninnag umaga sa Brgy. Osmeña, Ilagan City, Isabela.
Kinilala ang akusado na si Nestor Abella, 21 anyos at residente ng Brgy. Bliss Village sa nasabing lungsod.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PSSg. James Pattalitan, Imbestigador ng PNP Ilagan, inireklamo ng isang 26 anyos na babae ang binata matapos malaman ang pangalan nito sa social media at nagsagawa ng videocall sa biktima habang hinihimas ang kanyang baston.
Ipinalabas naman ang warrant of arrest ni kagalang-galang hukom Jeffrey Cabasal ng MTCC 2nd Judicial Region Ilagan City para sa kasong paglabag sa RA 11313 o ‘Bawal Bastos Law’ sa ilalim ng criminal case no. 19-113 na may petsang Nobyembre 12, 2019.
Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalag kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng (P36,000.00).
Sa ngayon ay nasa kustodiya na Ilagan City District Jail ang akusado.