Binata, Arestado sa Kasong Pagnanakaw

96

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang binata na Top 10 Wanted Person Municipal Level matapos isilbi ng mga otoridad ang mandamiento de aresto nito sa Brgy. Bugallon Proper, Ramon, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Erickson Artates, 27 anyos, na residente sa nasabing lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Ramon, dinakip ang akusado matapos ipalabas ni kagalang galang hukom Rodrigo Pascua ng MCTC Ramon Isabela para sa kasong Pagnanakaw sa ilalim ng criminal case no. 4837 habang inirekomenda ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng (P10,000.00)

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng kapulisan ni Artates para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments