Construction Worker, Natagpuang Patay matapos Magbigti

392

*Cauayan City, Isabela*- Patay ang isang construction worker matapos makitang nakabitin sa itaas na bahagi ng poso sa bahay ng isang Brgy. Kagawad sa Brgy. Moldero, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Joel Sanchez, 29 anyos, may asawa at residente sa nasabing barangay.


Ayon sa naging imbestigasyon ni Police Executive Master Sergeant Joe Tamang, Chief Investigator ng PNP Tumauini, lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat na nagtatrabaho bilang construction worker sa Lungsod ng Cauayan ang biktima nang makitaan ng senyales ng amo na nawawala na ito sa kanyang sarili kaya’t nagdesisyon na ipauwi nalang sa kanyang tahanan sa Tumauini si Sanchez.

Dagdag pa nito na batay sa naging testimonya ng mga kaanak ng biktima ay naghahanap ito ng patalim at lubid na di mabatid ang gagawin sa mga ito hanggang sa nakita na lamang na wala na itong buhay.

Problema sa pamilya ang isang tinitignang motibo sa pagpapakamatay ng biktima matapos mangibang bansa ang kanyang asawa.

Facebook Comments