Muling bumalik sa kulungan ang isang dalagang muslim at isa pang binata matapos na mahuli sa isinagawang drug buy bust operation ng Station Drugs Enforcement Unit o SDEU ng Santiago City Police Station 1 sa magkahiwalay na insidente sa Lungsod ng Santiago.
Unang nahuli sa isinagawang operation ng mga operatiba at mga tauhan ni P/Maj.Reynaldo Maggay, hepe ng presinto uno sa Roque St., Extension, Purok #1, Plaridel si Edgardo Magpantay, 32-anyos, binata at residente ng Purok 1, Dubinan West ng naturang Lungsod.
Sumunod na nadakip sa kanilang lugar si Raisalam Batua-an, 32-anyos, musli, dalaga at pansamantalang nanirahan sa Camella Homes Subdivision, Batal, Santiago City.
Nasamsam sa pag-iingat ng mga suspek ang tig-isang pakete ng shabu at marked money na ginamit ng nagpanggap na poseur buyer na pulis.
Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, parehong drug surenderee ang dalawang suspek subalit hindi sila sumailalim ng Community Based Rehabilitation Program kung kaya’t minanmanan sila ng mga otoridad hanggang sa magpositibo ang kanilang modus operandi sa pagbebenta ng illegal na droga na nagresulta sa kanilang pagkakahuli.
Kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawalang suspek.