BINATA, KULONG SA PAGTUTULAK NG DROGA

Dinakip ang isang binata matapos magpositibo sa ikinasang drug buy bust operation ng mga alagad ng batas sa Brgy Lullutan, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Emil Jimenez, 24 taong gulang, walang asawa at residente rin sa nabanggit na barangay.

Isinagawa ang buy-bust operation ng magkatuwang na kasapi ng City of Ilagan Police Station, Provincial Intelligence Unit ng Isabela Police Provincial Office, at PDEA na kung saan nabentahan ng suspek ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer ng isang (1) heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang “shabu”.

Habang kinakapkapan ang suspek, nakuha mula sa kanyang pag-iingat ang isang Php1,000 peso bill na ginamit bilang buy bust money; dalawang (2) unit ng android cellphone at isang unit ng motorsiklo

Ang nakuhang “shabu” ay tumitimbang ng 0.05 grams at may Standard Drug Price o SDP value na P340.00.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Facebook Comments