*Cauayan City, Isabela*- Boluntaryong isinuko ng isang binata ang kanyang sarili matapos ang ilang taong pagsama nito sa mga rebeldeng grupo matapos itong mahikayat simula ng siya ay 13 taong gulang pa lamang sa kanilang lugar.
Nakilala ang binata na si Marvin Asadon alyas Anthony na tubong Eastern Samar
Ayon kay Lt. Colonel. Gladiuz Calilan ng 95th Infantry Batallion, simula noong taong 2013 ng mahikayat ito ng grupo hanggang sa mapadpad sa Bulacan at umabot sa Lalawigan ng Isabela noong taong 2016.
Napag alaman din na nakatakas ang binata dahil sa tulong mismo ng kanyang kasintahan na dati ring miyembro ng rebeldeng grupo na kabilang sa RSDG-KR-CV at agad na isinuko ang sarili sa mga kasundaluhan.
Ayon naman sa kanyang ina na si Nanay Lita, sa loob ng anim na taong walang komunikasyon ay pinagtitirikan na lamang nila ito ng kandila dahil sa pag aakalang patay na ang kanyang bunsong anak.
Sa ngayon ay nakahanay na sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng Gobyerno alyas Anthony at nagngangalang Nesly.