Katawan ng Magsasaka, Natagpuang Patay sa Loob ng kanyang Bahay

*Cauayan City, Isabela*- Natagpuan ang katawan ng isang magsasaka na wala ng buhay sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Sta. Victoria, Ilagan City, Isabela bandang 8:30 kaninang umaga.

Nakilala ang biktima na si Eugenio Laddit, 65 anyos, balo at residente sa nasabing lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Ilagan City, nakatanggap sila ng impormasyon mula kay Brgy. Kapitan Balbin kaugnay sa wala ng buhay ng magsasaka matapos itong makita sa kanyang bahay.


Agad namang tumugon ang kapulisan sa lugar ng insidente upang beripihakin ang impormasyon at napag alaman ng pulisya mula sa anak ng biktima na si Marife Lapaz na may sakit sa pag iisip ang kanyang ama.

Patuloy namang inaalam ng pulisya ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Facebook Comments