Binata, Nasalpok ng Paparating na SUV, Patay

21

Cauayan City, Isabela-Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang isang binata matapos bumangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa isang SUV sa Brgy. Sta. Cruz, Alicia, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Janjan Baldevarona, 23-anyos at residente ng Brgy. Castillo, Angadanan, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan sa Alicia Police Station, nakilala ang drayber ng sasakyan na may plakang PQC 298 na si Mario Rapisora, 55-anyos, may-asawa at residente ng Centro 1, Angadanan, Isabela.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP, binabaybay ng biktima ang timog na direksyon ng daan patungo sa Alicia habang sa kasalungat naman na direksyon si Rapisora patungo sa Angadanan.

Kaagad umanong kumaliwa ang biktima dahilan upang mabangga ito ng paparating na sasakyan.

Matindi umano ang tinamong sugat ng biktima kung kaya’t hindi na ito umabot pa ng buhay ng idala sa pagamutan.



Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga ng PNP Alicia si Rapisora na posibleng maharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property.


Facebook Comments