Binata, patay matapos saksakin ng natalong kalaro sa Mobile Legends

1005

ROSALES, PANGASINAN – Patay ang isang 24-anyos na lalaki matapos saksakin ng natalong kalaro sa online game na “Mobile Legends.”

Kinilala ang biktima na si Angelo Paulo, residente ng Barangay San Isidro sa nabanggit na bayan.

Binawian siya ng buhay habang ginagamot sa pagamutan dulot ng tinamong tama ng saksak sa puson.

Ayon sa imbestigasyon, nag-iinuman si Paulo at ang akusadong si Jerick Espanto sa isang birthday party nang bigla silang magkahamunan na maglaro ng kinahuhumalingang online game.

Nang matalo sa laro ay uminit daw ng husto ang ulo ng suspek. Doon na raw nag-away ang dalawa na nauwi sa pananaksak.

Patuloy na tinutugis ng pulisya ang tumakas na salarin.

Facebook Comments