Binata sa San Mateo, Isabela, Huli dahil sa Kasong Homicide!

177

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang isang binata sa brgy. 4, San Mateo, Isabela dahil sa kaso nitong Homicide.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, kinilala ang nadakip na si Mark Leo Duran Umipig, bente anyos, binata at residente ng nasabing barangay.

Si Umipig ay inaresto ng mga kasapi ng PNP San Mateo sa isinilbing Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Eric Banasan ng MTC San Mateo, Isabela dahil sa kaso nitong Homicide.

Nakapiit na sa himpilan ng PNP San Mateo ang suspek at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang tatlumpong libong piso.

Facebook Comments