IBINIGAY | 2 attack helicopters, idinonate ng Jordan sa Pilipinas

409

Inaasahang darating sa susunod na taon ang dalawang helicopters na ibinigay ng Kingdom of Jordan sa Pilipinas.

Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, dalawang Cobra attack helicopters ibinigay ng Jordan sa bansa kung saan inaasahang darating ito sa pilipinas sa July 2016.

Paliwanag ni Go, sasailalim pa sa 9 na buwang training ang mga piloto ng philippine airforce na siyang magpipiloto sa dalawang helicopters.

Sinabi din ni Go na hindi lamang Helicopters ang ibinigay ng Jordan.

Mayroon pa aniyang Mortars, RPG o Rocket Propelled Grenade, rifles at iba pang military equipment.

Matatandaan na nilagdaan ang isang memorandum of understanding on defense cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Jordan.

Facebook Comments