IPINANALANGIN | Pangulong Duterte, ipinagdasal ng isang pari na magkasakit

1072

Manila, Philippines – Inihayag ni Fr. Noel Gatchalian sa kanyang homilya sa ginawang banal na misa sa labas ng opisina ni Senador Antonio Trillanes IV na ipinagdasal nito si Pangulong Rodrigo Duterte na magkasakit para makapahinga ng maluwag ang Pangulo.

Ayon kay Fr. Gatchalian ay “Winawalang-hiya ng pangulo ang ating relihiyon at binabastos ang ating Diyos kayat Pinagdasal umano ng pari na magkasakit nalamang si Digong.

Anya madalas umanong sinasabi ng Pangulo na siya ay pagod na kaya dapat na umanong magpahinga ang Pangulo ng bansa.

Una rito sinabi ni Fr. Robert Reyes dapat magising sa katotohanan at gayahin ang ginawa ni Sen. Trillanes na hindi natatakot na punuin ang Pangulo.

Giit pa ni Fr. Reyes dapat nang palayasin ang demonyo sa Malakanyang,demonyo sa Senado at demonyo sa Korte Suprema upang maging matahimik ang Sambayanang Pilipino.

Facebook Comments