BINATIKOS | Alex Gonzaga, na-bash dahil sa instagram post

Manila, Philippines – Binatikos ngayon ng ilang netizens ang TV host/ actress na si Alex Gonzaga dahil sa naging caption nito sa picture nila ng kaniyang mommy habang nagbabakasyon sa Japan.

Sa kaniyang instagram post, naglagay ng caption si Alex na “Japan, Japan… sagot sa kahirapan”.

Dahil dito, minasama ng ilang netizen ang caption na ito ni Alex kung saan hindi daw nakakatawa ang kaniyang biro at pambababastos ito sa mga OFW na nag hihirap mag-trabaho sa Japan para sa ikabubuti ng kanilang pamilya.


Pero nanindigan si Alex na wala naman daw siyang masamang ibig sabihin at naririnig na daw niya ang salitang iyon noong bata pa siya.

Bagama’t hindi humingi ng paumanhin, sinabi pa ni Alex na huwag daw masiyadong sensitive ang mga netizen dahil joke lamang daw niya ito lalo na at wala naman siyang pinatatamaan at sinisirang buhay.

Facebook Comments