KAKAIBA | Iphone case na may bigat na sampung kilo, ibinebenta ngayon sa Japan

Japan – Inilabas ngayon ng isang kumpaniya sa Japan ang kakaibang iphone case para sa mga bodybuilder na hindi maiwan-iwan ang kanilang cellphones.

Tinawag nila itong “Macho case” kung saan isa itong 22-pounds o 10 kilograms na dumbbell-cellphone case na para lamang sa Iphone users.

Mabibili ito sa halagang $100.00 (₱5,250.00) kada isang piraso at siguradong hindi mo mami-miss ang anumang tawag o text sa iyo habang ikaw ay nag wo-workout.


Bukod sa epektibo ito sa workout, maaari mo din daw itong gamitin bilang pang-patong sa mga paper works, pang-harang sa pinto at pampokpok kung wala kang martilyo.

Facebook Comments