Palengke ng Cotabato City nasunog kagabi

Nilamon ng apoy ang Pamilihang bayan ng Cotabato City na mas kilala sa Mega Market sa Mother Barangay Poblacion.
Ayon sa tagapagsalita ng BFP Cotabato City FO3 Aldrin Nara, 10:55 kagabi ng makatanggap sila ng fire call mula sa City Governmen na nasusunog raw ang Mega Market. Mabilis naman nagresponde ang anim na firetruck ng BPF kasama ang Filipino Chinese Volunteer Fire Brigade. Mabilis umanong kumalat ang apoy at nahirapan ang mga pamatay sunog sa paglamon ng apoy sa buong Mega Market.
Humingi pa ng tulong sa BRF-ARMM si Fire Marshall Chief Insp.Nestor Bade dahil sa napakalaking sunog.Inabot ng anim na oras bago tuluyang nafire out ang naturang sunog.Mahigit sa isang libong negosyante ang nasunugan sa una at ikalawang palapag ng Mega Market.
Sa ngayon hindi pa mabatid kung saan nag umpisa ang apoy at kaninong stall habang patuloy na inaalam kung magkano ang kabuuang pinsala. Nanawagan naman ng Full Blown investigation si Mayor Atty.Frances Cynthia Guiani Sayadi sa naturang sunog.alengke

Facebook Comments