BINATIKOS | Pagkilala ni US President Trump sa Jerusalem bilang capital city ng Israel, inalmahan

World – Umani ng batikos mula sa International Community ang pagkilala ni US President Donald Trump sa Jerusalem bilang Capital City ng Israel.
Ayon kay Paslestinian Liberation Organization Secretary General Saeb Erekat, ang hakbang ni Trump ay magmi-mitsa ng pagtawag ng mga extremists ng holy wars at pagtanggal ng karapatan sa Estados Unidos bilang tagapamahala ng peace process sa pagitan ng Israel at Palestine.

Ayon naman kay United Nations Sec. General Antonio Guterres, inilagay ni Trump sa panganib ang nais na kapayapaan pagkat inaasahan naman maayos ang usapin tungkol sa Jerusalem sa pamamagitan ng negosasyon sa pagitan ng Israel at Palestine.

Habang inihayag ni French President Emmanuel Macron na salungat sa international law ang tila bagong polisya na gustong ihain ng Amerika.


Una rito, matagal ng pinagde-debatihan ang Estado ng Jerusalem dahil sa pag-aagawan ng Israel at Palestine State rito.

Facebook Comments