BINATIKOS | Pagsailalim ng BOC sa AFP, unconsitutional at isang uri ng diktadurya

Manila, Philippines – Binatikos nina opposition senators Risa Hontiveros at Leila de Lima ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa pamamahala ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang Bureau of Customs o BOC.

Giit ni Hontiveros, ang nabanggit na hakbang ay labag sa konstitusyon at nagpapaktia ng pagiging diktadurya ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Hontiveros, malinaw sa ating saligang-batas na hindi maari itake-over ng militar ang isang civilian agency.


Para naman kay de Lima, delikado ang nais mangyari ni Pangulong Duterte na gawing normal ang isang bagay na unconstitutional.

Punto pa ni de Lima, ang paglala ng problema sa BOC ay resulta ng kabiguang maparasuhan ang mga sangkot sa ilang beses na paglusot ng multi-bilyong halaga ng shabu at iba pang katiwalian sa ahensya.

Facebook Comments