Binatilyo, arestado matapos makuhanan ng marijuana sa Quezon City

Quezon City – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isang 19-anyos na binata na nagtutulak umano ng ilegal na droga matapos magsaawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Staion 7 ng QCPD sa harap ng isang bahay sa Liberty Avenue, Barangay Socorro, Quezon City.

Arestado si Justin Guzman at nakuhanan ng 4 na plastic ziplock na naglalaman ng dahon ng hinihinalang marijuana. Tatlo sa mga ito ay nakasuot sa baywang niya.

Ayon kay Supt. Louis Tremor, hepe ng QCPD Station 7 , dati nang nahuli si Guzman noong 2015 sa kasong illegal drugs.


Minanmanan uli siya at ang mga kabarkada niya ng Station Drug Enforcement Team ilang linggo bago isinagawa ang operasyon.

Ayon kay Tremor, online ang bentahan ng suspek ng marijuana.
Makikipag-usap siya at ang kustomer sa pamamagitan ng internet ng order at kung saan magkikita.

Sa online din nakipag-ugnayan ang suspek at ang impormante ng pulis na nagbigay ng order para sa iligal na droga.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Law ang kahaharapin ni Guzman.

Facebook Comments