Binatilyo, arestado matapos pagbabatuhin ang pulis patrol car sa Pasig

36

Manila, Philippines – Arestado ang isang 16-anyos na binatilyo matapos pagbabatuhin ang patrol car ng pulis sa Pasig City.

Ayon kay Senior Supt, Orlando Yebra, hepe ng Pasig police, nakunan pa ang suspek ng isang pakete ng shabu.

Paliwanag naman ng imbestigador, pinaniniwalaang lulong sa droga ang suspek subalit hindi pa nila ito makumpirma.

Hinihintay pa ng mga otoridad ang resulta ng drug test nito at kapag napatunayan na positibo sa droga ay dadalhin ito sa rehabilitation center.

DZXL558

Facebook Comments