Binatilyo, Huli sa Pagnanakaw sa Computer Shop sa Lungsod ng Santiago!

42

*Cauayan City, Isabela- *Nasa kustodiya ng pulisya ang isang binatilyo matapos mahuli sa pagnanakaw na panlilimas ng pera sa isang computershop sa, Maharlika Hway, Centro East, Santiago City.

Pansamantalang itinago sa pangalang Hari ang suspek, 17-anyos na residente ng Purok 2, Divinan, Jones, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, habang nasa loob ng comfort room si Rodney Jan Genese Daguro, 34-anyos, negosyante at residente ng Phase 2, Purok 8, Sampaguita St., Baptista Village, Calao East, Santiago City ay dito sinamantala ni Hari ang pagbukas sa drawer at kinuha ang isang libong piso (P1,000.00).

Base naman sa kuha ng CCTV Footage ng nasabing computershop ay nakilala ang suspek kung kaya’t agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga tauhan ni P/Maj.Reynaldo Maggay, hepe ng Station 1 ng Santiago City Police Office (SCPO) na nagresulta sa pagkakahuli ng binatilyo.

Facebook Comments

From Advertisers