Apat, sugatan sa sunog na tumupok sa 4-storey building sa Navotas City

55

Apat ang nasugatan sa sunog na tumupok sa apat na palapag na bahay sa M. Valle St., Brgy. Tangos South, Navotas City.

Nagtamo ng minor injuries ang mga biktima matapos mabagsakan ng mga debris mula sa nasusunog nilang bahay.


Nagsimula ang apoy sa kuwarto ng isang nangungupahan at posibleng naiwang nakasaksak na electric fan ang sanhi ng sunog.

Nasa 25 na katao na nangungupahan sa 4-storey building ang apektado ng sunog.

Tinatayang nasa P50,000 ang halaga ng natupok na ari-arian.

Nagsimula ang sunog pasado alas-9:00 ng umaga na umabot sa ikalawang alarma matapos maideklarang fire out bandang alas-10:11 ng umaga.




Facebook Comments