BINAWI | Jimmy Guban, kumambyo matapos sabihing may kinalaman siya sa shabu shipment gamit ang magnetic lifter

1635

Manila, Philippines – Binawi ni dating Customs Intelligence Officer 1 Jimmy Guban ang nauna niyang pahayag na may kinalaman siya sa pagpupuslit ng apat na magnetic lifter na natagpuan sa Cavite.

Sa sinumpaang salaysay ni Guban sa Senate Blue Ribbon Committee, iginiit niyang ginampanan niya ang kaniyang tungkulin para masabat ang droga.

Idiniin naman ni Guban si dismissed Police Senior Supt. Eduardo Acierto na unang nagtimbre sa kaniya na may shabu ang paparating na apat na magnetic lifter.

Inutusan rin aniya siya ni Acierto na maghanap ng consignee na tatanggap sa magnetic lifter.

Bigo naman makadalo sa pagdinig si Acierto na binantaan ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na ipapa-cite in contempt kapag hindi pa dumalo sa susunod na pagdinig.

Facebook Comments