Manila, Philippines – Binawi ng Kamara ang panuklang tanggalin si Vice President Leni Robredo bilang kapalit ni Pangulong Rodrigo Duterte sakaling mabakante ang posisyon habang nagpapalit sa bagong saligang batas.
Ito ay matapos ulanin ng batikos ang draft ng federal charter kung saan nakasaad na ang senate president ang piniling sumalo sa pagkapresidente sakaling may maganap sa transition period.
Agad namang naghain ng mosyon si Cebu City Representative Raul Del Mar na ibalik sa komite ang draft para ibalik si Robredo sa pagiging successor ng Pangulo.
Ayon kay Mar, naniniwala siyang hindi nila layon ng house committee on constitutional amendments na i-itsapwera si Robredo.
Nangako naman si House Majority Leader Rolando Andaya na isusumite ng mayorya ang amyenda sa komite sa takdang panahon.
Tiniyak naman ni House Committee on Constitutional Amendments Chairman Vicente Veloso na magpapatawag siya pagdinig sa susunod na linggo para magawa ang pinababago ng mayorya.