Binibining Pilipinas-International 2017 Mariel De Leon, sinagot ang isyu na ginagaya niya si Liza Soberano

328

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ni Bb. Pilipinas- International 2017 Mariel De Leon ang akusasyon ng kanyang mga basher na ginagaya nito ang aktres na si Liza Soberano.

Matatandaang nitong nakalipas na Linggo, nag-post ang 23-year-old beauty queen ng picture nito kasama si Liza kung saan inulan ito ng mga komento na retokada lang siya at ginagaya niya ang aktres.

Agad naman itong sinagot ni Mariel at sinabing natural lamang ang kanyang ganda.

Si Mariel ay anak ng aktor na si Christopher De Leon at aktres na si Sandy Andolong.

 

Facebook Comments