Manila, Philippines – Binisita ni Bureau of Jail Management and Penology Director Deogracias Tapayan ang Marikina City Jail Female Dormitory kaninang umaga.
Personal na inalam ni Tapayan ang kalagayan ng 116 na mga babaeng preso lalo na ngayong tag-init na usong-uso ang sakit.
Kasabay ng pagbisita, nagkaroon din ng medical mission sa Marikina City Jail para masigurong maayos ang kalusugan ng mga inmate.
Nagbigay din ng dagdag na kabuhayan para sa mga bilanggo na angkop sa pasilidad gaya ng panggagantsilyo.
Iikot din sa iba pang kulungan si Director Tapayan para tiyakin ang seguridad at kaayusan nito.
Facebook Comments