AKSIDENTE | 2 patay, dalawa sugatan sa magkahiwalay na road accident sa Quezon City

Quezon City – Dead-on-the-spot ang dalawang sakay ng motorsiklo matapos na sumalpok sa nakaparadang backhoe sa Barangay Greater Lagro, Quezon City.

Kinilala ang isa sa mga nasawi na si Danilo Labrice.

Ayon sa mga pulis, nagsasagawa sila ng Oplan Galugad sa lugar nang makitang walang helmet ang dalawang lalaki.


Sa pagnanais na umiwas sa mga otoridad, pinaharurot nila ang motorsiklo hanggang sa bumangga sa backhoe.

Samantala, dalawa ang sugatan sa banggaan ng kulay itim na montero sport at elf truck sa EDSA-Muñoz, QC.

Ayon kay MMDA Traffic Enforcer Invincion Basco – magyu-u-turn ang Montero Sport nang mahagip ito ng elf truck na mabilis naman ang takbo.

Sa lakas ng impact, tumagilid sa kalsada ang Montero sport at nabasag ang salamin nito.

Facebook Comments