HIWALAY NA KAYA? | Gerald Anderson, nagsalita na matapos ang pag-unfollow sa kanya ni Bea Alonzo

Manila, Philippines – For the first time, nagsalita na ang aktor na si Gerald Anderson tungkol sa estado ng kanyang love life.

Isang linggo ito matapos mapabalitang in-unfollow siya sa Instagram ng rumored girlfriend niya na si Bea Alonzo.

Samu’t saring espekulasyon kasi ang lumabas dahil bukod kay Gerald, in-unfollow rin ni Bea si Pia Wurtzbach na ka-loveteam ng aktor sa pelikulang “My Perfect You.”


Usap-usapan na may problema ngayon sa relasyon nina Bea at Gerald at may kinalaman dito ang beauty queen.

Pero say ng 29-year old actor, “ayos at steady naman” ang kanyang buhay pag-ibig.

Nang tanungin kung bukas pa rin siyang gumawa ng pelikula kasama si Pia, sagot ni Gerald, basta bagay sa kanilang dalawa, walang problema.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw ang dahilan ng pag-unfollow ni Bea sa dalawa.

Facebook Comments