BINMALEY, NANANATILING MAPAYAPA SA KABILA NG PAGKAKABILANG NITO SA YELLOW CATEGORY NGAYONG HALALAN 2025

Nananatiling mapayapa ang bayan ng Binmaley sa kabila ng pagkakabilang nito sa areas of concern ngayong eleksyon, ayon sa Binmaley Municipal Police Station.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay PCpt. Maureen Grace Tarlit ng Binmaley MPS, wala pang naisasangguni at naitatalang anumang election-related incidents or violence.
Pagtitiyak ng himpilan na handang handa na umano ang buong pwersa ng kapulisan ngayong papalapit na ang eleksyon.
Kaugnay nito, kumpleto na rin ang mga police personnels na itatalaga sa bawat polling precinct.
Sa gitna nito, patuloy pa rin umanong nagsasagawa ng pag-aaresto sa bisa ng mga search warrants upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa bayan ng Binmaley. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments