Umano’y iregularidad sa joint venture agreements ng local water district at mga pribadong kompanya, pinaiimbestigahan ng isang senador

Ipinasisilip ni Senator Risa Hontiveros sa Senado ang natuklasan ng Commission on Audit (COA) na mga isyu at iregularidad sa mga joint venture agreements ng mga local water districts at mga pribadong water concessionaires.

Inihain ni Hontiveros ang Senate Resolution 1352 kung saan tinukoy ang COA report na hindi dumaan sa competitive process o bidding ang pagpili ng local water district sa mga pribadong kompanya ng tubig kaya naaagrabyado ang publiko sa hindi maayos na serbisyo.

Tinukoy ng senadora ang ilan sa mga pribadong kompanya ng tubig na walang katiyakan at magulo ang terms ng kontrata.

Sa mga joint venture agreements, walang malinaw na commitment ang mga private water companies na gagastos sila para sa pagpapahusay ng serbisyo, walang transparency sa mga dokumento at financial reports at wala ring formal na guidelines at procedures para sa pagrepaso ng performance.

Binigyang-diin ni Hontiveros na mahalagang maungkat ang sitwasyong ito para pagbayarin ang mga water concessionaires sa patuloy na paniningil sa mga consumers sa kabila ng palpak na serbisyo at kawalan ng pagdaloy ng tubig sa mga kabahayan.

Facebook Comments