BINMALEY PNP, KINILALA ANG UNANG 100 ARAW NG PAMUMUNO NI PLTCOL SAYGO

Kinilala ng Binmaley Municipal Police Station ang unang 100 araw ng pamumuno ni PLTCOL Lister A. Saygo bilang Officer-in-Charge ng himpilan.

Ayon sa pulisya, minarkahan ang unang tatlong buwan ng pamumuno ni PLTCOL Saygo ng dedikasyon, propesyonalismo, at mas pinaigting na pagpapatupad ng mga programa para sa kapayapaan at kaayusan sa bayan.

Kabilang sa mga naging hakbang ng himpilan ang pagpapalakas ng police visibility, pakikipag-ugnayan sa komunidad, at pagpapatupad ng iba’t ibang peace and order initiatives upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente ng Binmaley, Pangasinan.

Samantala, nagpahayag naman ng suporta at pagbati si Pedro ‘Pete’ Merrera, alkalde ng Binmaley, sa pamunuan ng pulisya para sa kanilang patuloy na pagsisikap na mapanatili ang katahimikan sa kanilang bayan.

Ayon pa sa pulisya, ang nasabing milestone ay patunay ng patuloy na commitment ng kanilang hanay sa epektibong pagpapatupad ng batas, pakikipagtulungan sa komunidad, at pagpapanatili ng kapayapaan sa bayan ng Binmaley. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments