BINUKING | Tunay na motibo sa pagsasara ng Boracay, inilantad ni Senator Trillanes

Manila, Philippines – Mariing inihayag ni Senador Antonio Trillanes IV na ang pagpapasara sa Boracay Island ay parang lang sa konstruksyon ng mga casino.

Sabi ni Trillanes, hindi totoo na ang tunay na intensyon ng pagpapasara sa Boracay ay para sa rehabilitasyon o pagsasaayos nito.

Hinala ni Trillanes, paraan ang pagsasara para malayang maipasok sa isla ang mga heavy equipment at materyales na gagamitin sa pagtatayo ng casino.


Ipinunto pa ni Trillanes na noong Disyembre ay nakipagpulong sa Malacañang ang mga magtatayo ng casino sa Boracay at nitong Enero ay agad na nabigyan ng permit ang mga ito.

Kaugnay nito ay pinag iisipan din ni Trillanes na maghain ng resolusyon para pa-imbestigahan sa senado ang tunay na motibo ng Boracay closure.

Pero aminado si Trillanes na wala pa siyang nakukuhang mga testigo na magpapatunay sa kanyang hinala.

Facebook Comments