Isasagawa ito sa ilang barangay ng Isabela na kinabibialngan ng Tallag, Cabagan; Casalatan, Cauayan City at Barangay Bayabo, Delfin Albano, Isabela.
Ayon kay D.A Regional Executive Director Narciso A. Edillo, una nang inilunsad ang parehong pasilidad sa mga bayan ng Claveria, Sto Nino at Lasam sa lalawigan ng Cagayan, Echague at Tumauini sa Isabela; Villaverde sa Nueva Vizcaya; Aglipay at Saguday naman sa Lalawigan ng Quirino.
Umaabot naman sa 5.5 milyong piso ang halaga ng bawat pasilidad na itatayo ng nasabing Kagawaran.
Layunin nito na mapabilis ang swine repopulation program ng pamahalaan sa mga magbababoy na naapektuhan ng African Swine Fever o ASF.
Ikokonsidera naman ng DA Region 2 ang distansiya ng pasilidad sa mga kabahayan upang maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon o sakit sa mga baboy.
Samantala, umaasa si Edillo na sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga biik sa mga hog raisers sa Lambak ng Cagayan ay makakabawi ang mga ito mula sa pagkalugi dahil sa epekto ng ASF.