Magsasagawa ang Bureau of Internal Revenue o BIR ng Mobile One-Stop-Shop Services sa San Carlos City, Pangasinan ngayong Miyerkules, Nobyembre 11, 2026.
Sa ilalim ng programang “Serbisyong Maples, I-Asinger ed Baley Yo,” maaaring magpatulong ang mga residente sa income tax filing, pagkuha ng Taxpayer Identification Number o TIN, at mga kinakailangan sa pagpaparehistro ng negosyo.
Kasama rin sa mga serbisyong iaalok ang updating of registration, information returns, eAFS at paggamit ng Online Registration and Update System o ORUS.
Gaganapin ang aktibidad mula alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-kuwatro ng hapon sa BOSS Office sa Roxas Boulevard, San Carlos City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







