Umabot sa 154 na persons deprived of liberty o PDLs at personnel ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP ang sumailalim sa road safety awareness seminar sa Alaminos City Jail noong Nobyembre 9, 2026.
Pinangunahan ito ng Land Transportation Office o LTO Alaminos District Office, katuwang ang BJMP, sa Barangay Tangcarang, Alaminos City, Pangasinan.
Kabilang sa mga tinalakay sa seminar ang mga batas at regulasyon sa kalsada, kahulugan ng mga traffic sign at pavement marking, responsableng paggamit ng daan at mga paraan ng ligtas na pagmamaneho.
Batay sa datos ng LTO Region 1, dumalo ang 140 na PDLs kung saan 133 ang lalaki at pito ang babae.
14 naman ang BJMP personnel na binuo ng siyam na lalaki at limang babae.
Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga kalahok tungkol sa mga batas trapiko at kaligtasan sa kalsada. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







