BIR, pinalawig sa Sept. 30 ang registration ng mga online sellers

Muling pinalawig ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline para sa business registration ng nasa online selling business.

Sa bago nitong Revenue Memorandum Circular, muling itinakda sa September 30, 2020 ang pagpaparehistro ng mga online business.

Nagbabala ang BIR sa mga online businessmen na sumunod sa registration/update requirements upang hindi sila mapatawan ng kaukulang penalties sa ilalim ng umiiral na revenue rules and regulations.


Sa ngayon ay abot na sa 5,650 online vendors ang nakapag-parehistro para sa tax purposes mula June hanggang August, 2020.

Facebook Comments