Biyahe ng mga barko sa Batangas Port, balik-operasyon na

Balik-operasyon na ang lahat ng biyahe ng mga barko sa Batangas Port matapos na kanselahin noong Martes dahil sa bagyong Dante.

Alas-6:00 kaninang umaga, pinayagan nang bumiyahe ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga barko matapos na alisin ng PAGASA ang babala ng bagyo sa Batangas, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Romblon, Antique at Iloilo.

Agad namang dumagsa ang mga pasahero sa pantalan na isang araw ding nanatili sa Provincial Sports Complex habang hinihintay na bumuti ang panahon.


Samantala, nasa 400 pasahero pa ang stranded sa Matnog Port sa Sorsogon dahil sa “no sail policy” bunsod ng bagyo.

Stranded pa rin ang ilang pasahero sa Pasacao Port sa Camarines Sur.

Facebook Comments