Titutukan ng Land Transportation Office (LTO) ang biyahe sa mga lalawigan sa panahon ng Kuwaresma.
Bago sumapit ang Mahal na Araw, magsasagawa ng inspection ang Department of Transportation (DOTr), LTO, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at iba pang concerned agencies sa mga bus terminal sa Metro Manila upang tiyaking magiging ligtas ang biyahe ng publiko sa mga lalawigan.
Nais ng mga ahensiya na siguraduhing ligtas ang mga manlalakbay sa lalawigan na inaasahang dadagsa sa mga transport terminal.
Bukod sa inspection, magpapatupad din ng road safety seminars ang LTO sa mga driver lalo na sa mga pampasaherong bus.
Facebook Comments