PNP, nagsasagawa ng command conference ngayong araw bilang paghahanda sa halalan 2022

49

Muling nagpupulong ngayong araw ang mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Ito’y bilang paghahanda sa nalalapit na halalan sa May 2022.

Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, nagpatawag siya ng command conference upang magkaroon ng “assessment” sa mga security situation ng mga rehiyon.


Ito ay gagamitin nila para gumawa ng mga “adjustment” sa pagpapakalat ng mga tauhan.

Sinabi pa ni Carlos, magsisilbing “follow up” ang kanilang command conference para sa mga paksang una na nilang tinalakay sa nakalipas na pulong.

Paliwanag nya, titignan ng PNP kung gumagalaw ba sila sa isang direksyon para makamit ang payapa at tapat na eleksyon.



Facebook Comments