Biyahe sana ng bangkay ni Mabel Cama sa probinsiya ngayon, hindi tuloy ayon kay Reynaldo Cama

Manila, Philippines – Humingi ng pang-unawa at pasensiya sa mga kababayan at kamag-anak niya sa probinsiya si Reynaldo Cama ama ni Mabel Cama na isang bank employee na hinihinalang ginahasa,pinatay at sinunog pa ang kalahating katawan at wala nang saplot sa pang itaas ng matagpuan noong sabado ng gabi sa loob ng Mega Compound ng Brgy. Rosario Pasig City.

Ayon kay mang Reynaldo ngayon araw sana ay dadalhin ang bangkay ni Mabel sa Bicol Region pero dahil sa patuloy pang ginagawang imbestigasyon ay pinigil muna ng pulisya ang plano ng pamilya na dalhin sa probinsiya.

Una rito limang person of interes na hinihinalang may kinalaman sa pagpatay kay Mabel Cama ang tinututukan ngayon ng EPD at hawak na nila ang testigo upang magbigay linaw sa naturang karima-rimarim na pagpatay sa bank employee.


Matatandaan na sinabi ni Randy Oavenada driver na huling nakita nito ang biktimang si Mabel sa Mega Bus terminal alas-diyes ng gabi noong Sabado kung saan dalawang lalaki umano ang nakasunod sa bank employee habang gumagamit ng cellphone pero pagkatapos umano niyang kumain ay hindi na niya nakita si Mabel at ang dalawang lalaki na nakabuntot sa dalaga bukod dito narinig din umano ng guwardiya na isang babae ang humihingi ng tulong.

Facebook Comments