
Mahigpit na mino-monitor ng Philippine Airlines o PAL ang ipinatupad na ground stop ng United States Federal Aviation Administration o FAA na nakaapekto sa mga operasyon ng air traffic sa iba’t ibang bahagi ng Estados Unidos.
Ayon sa PAL, ang mga eroplano nitong kasalukuyan nang nasa himpapawid at patungo sa U.S. ay pinahihintulutang magpatuloy sa kanilang mga destinasyon.
Samantala, ang lahat ng biyahe ng PAL papunta at pabalik ng mga paliparan sa Estados Unidos ay patuloy na sinusuri sa bawat flight upang matiyak ang ligtas at maayos na operasyon.
Pinapayuhan naman ang mga pasahero na regular na tingnan ang flight status sa mga opisyal na communication channels ng Philippine Airlines para sa pinakabagong abiso at updates.
Facebook Comments










