BIYAHENG PINAS | Barko ng Indonesian Navy tutungo sa bansa sa susunod na linggo

Nakatakdang dumating sa bansa ang isa sa barko ng Indonesian Navy sa susunod na Linggo.

Ito ang kinumpirma ni Philippine Navy Spokesperson Commander Jonathan Zata.

Aniya alas 8:00 ng umaga sa Lunes dadaong sa Pier 15 Harbor Manila ang Indonesian Navy Ship na KRI BIMA SUCI 945.


Aniya darating sa bansa ang barko para sa tatlong araw na goodwill visit.

Sa pagdating nito isang welcome ceremony ang ibibigay ng Philippine Navy.

Ang goodwill visit ng barko ng Indonesia sa bansa ay pagpapanatili ng mas maayos na ugnayan ng Pilipinas at Indonesia.

Facebook Comments