KOTONG COP | Traffic enforcer ng MMDA na nagpakilalang pulis, arestado!

Pasay City – Nadakip ng mga tauhan ng PNP Counter Intelligence Task Force ang isa sa traffic enforcer ng MMDA matapos ang kanilang ikinasang entrapment operation sa EDSA Malibay Pasay City kaninang umaga.

Kinilala ang naarestong traffic enforcer na si Emilio Guinto na inireklamo nina Herbert Natividad at Van Lester Dimanlig kapwa empleyado ng New Oriental Club sa Pasay City dahil sa pangongotong.

Sa reklamo hinuli ang dalawang complainants ng naarestong traffic enforcer na nagpakilalang police officer dahil umano sa pagiging colorum ng kanilang sinasakyang service van.


Pero nag-demand anila ang suspek ng wala nang mangyayaring hulihan kapalit ng 5,000 piso.

Sa ikinasang entrapment operation nakuha sa suspek ang 5,000 marked money na kinuha nito mula sa mga complainant.

Sa ngayon inihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban sa suspek.

Facebook Comments