Biyaheng San Pablo-Lucena ng PNR, muling bubuksan ngayong araw

Bubuksan na muli ang biyahe ng Philippine National Railways (PNR) sa pagitan ng San Pablo, Laguna at Lucena, Quezon.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), bukas na ito simula ngayong araw kung saan tinatayang kalahating oras na lang ang biyahe ng nasabing dalawang lungsod na karaniwang inaabot ng isang oras.

Batay sa fare matrix, P50 ang regular na pamasahe mula San Pablo patungo Lucena.


Matatandaaang huling naging operational ang naturang linya noong October 2013.

Dagdag pa ng DOTr, malaki ang magiging bahagi nito para sa pagbuo ng PNR-Bicol o ang tinatawag na Bicol Express.

Pangungunahan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Transportation Secretary Arthur Tugade ang muling pagbubukas ng naturang biyahe.

Facebook Comments