BJMP Region 2, Nabiyayaan ng Tulong ang Libu-libong Indibidwal na naapektuhan ng Kalamidad

Cauayan City, Isabela- Nagsagawa rin ng hiwalay na Community Outreach Program ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa pangunguna ni Regional Director JCSupt. Lyndon Torres sa mga pamilyang apektado ng malawakang pagbaha sa lalawigan ng Cagayan.

Aabot naman sa kabuuang 2,532 indibidwal ang nabigyan ng tulong mula sa pwersa ng BJMP personnel gaya ng banig, kumot, delatang pagkain maging personal hygiene kit gayundin ang libreng pagpapakain sa mga residente ng barangay Bagay, Cataggaman, Balzain, Linao, Capatan, Gosi, Libag Sur, at Libag Norte.

Ayon kay JCSupt. Torres, hindi matatawaran ng anumang halaga ang kanilang serbisyong naitulong sa mga nasalanta ng bagyo dahil masarap sa pakiramdam ang pagtulong lalo pa’t malaking porsyento ng mga tao ang labis na naapektuhan ng kalamidad.


Aniya, minabuting mag-ambag ambag ang mga personahe ng tanggapan upang makabili ng mga iba pang dagdag na kakailanganin ng mga pamilyang apektado nito.

Bukod dito, tumanggap din sila ng hiwalay na donasyon mula sa BJMP region 1, NCR maging ang Jail Basic Recruit Course Batch 2011 at PNPAAAI.

Para sa ilan, ang kalimitang nakikita sa mga jail personnel ang pagbabantay sa mga Persons Deprive of Liberty (PDL) subalit pinili rin nila ang kumilos para tumulong sa mga taong higit na nangangailangan ngayong nakaranas ng pinsala mula sa kalamidad.

Facebook Comments