Blackwater Elite at Phoenix Pulse Fuel Masters, nagkaroon ng trade sa kanilang mga manlalaro

96

Inanunsyo ng pamunuan ng PBA na aprubado na ang trade na magbibigay kay Brian Heruela ng Blackwater Elite sa Phoenix Pulse Fuel Masters.

Dahil dito, magiging kapalit naman ni Heruela para sa Blackwater si Ron Dennison.


Si Heruela ay mayroong average na 3.0 points at 2.5 assists kada laro sa loob ng 19 minuto.

Habang nakakapagtala naman si Dennison ng 2.4 points at 1.2 rebounds kada laro sa loob naman ng halos apat lamang na minuto.

Facebook Comments