Blackwater Elite, tinalo ang NLEX Road Warriors sa PBA Governors’ Cup

107

PBA – Tinalo ng Blackwater Elite ang NLEX Road Warriors sa score na 107-106 sa PBA Governors’ Cup.

Naging susi sa panalo ng Elite si Roi Sumang na nakapagtala ng 32 points.

Nakapag-ambag naman ng 29 points, 15 rebounds at anim na assists ang import na si Henry Walker habang mayroong 18 points si Mike Digreorio.


Mula sa unang quarter ay hawak na ng Elite ang kalamangan hanggang mahabol ito ng NLEX.

Dahil sa panalo ay mayroon ng dalawang panalo at tatlong talo ang Elite habang ang NLEX ay mayroong limang panalo at dalawang talo.

Facebook Comments