Bagong world record pagdating sa bilis ng pagkain ng ice cream, nakuha ng isang babae sa Las Vegas

140

Las Vegas – Nakapagtala ng bagong world record ang isang babae sa Las Vegas pagdating sa bilis ng pagkain ng ice cream.

Nagawang ubusin ni Miki Sudo ng Las Vegas ang 16 pints o katumbas ng 7.5 litro ng ice cream sa loob lamang ng anim na minuto.

Dahil dito, nanalo siya ng $2,000 o humigit-kumulang P102,000 na premyo sa Prairie Farms World Ice Cream Eating Championship.


Una nang napanalunan ni Sudo ang kanyang pang-apat na sunud-sunod na titulo sa women’s division ng sikat na Nathan’s Hot Dog Eating Contest noong 4th of July sa New York.

Umaasa naman siyang makakabalik siya sa susunod na taon para depensahan ang kanyang titulo.

Facebook Comments