Kansas – Sa Kansas, maituturing na pambihira ang panganganak ni Nicole Choge ng identical triplets.
Ilang minuto lamang ang pagitan ng pagsilang ng triplets na sina Ron, Elkanah at Abishai, na pawang mga anim na buwan na premature.
Ayon sa mga doktor, madalas talagang ipanganak na premature ang mga kambal.
Pero ang kakaiba dito o ang “one in a million” na pangyayari ay ang maging identical o magkakamukha ang triplets.
Ayon kasi sa isang pag-aaral, nasa 20 hanggang 30 identical triplets lamang ang ipinapanganak sa bawat isang milyong newborn babies.
Sa ngayon, planong pag-ipunan ng pamilya ang pagbili ng mas malaking sasakyan para magkasya silang buong pamilya.
Facebook Comments